top of page

PAGSUBOK LANG ITO, TAO AKO!” Ni: Kevin Mondia

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 15, 2018
  • 3 min read

Sa isang masikip na eskinita nakatira ang ulilang si Benice, bata pa siya ng mamatay ang kanyang mga magulang. Mula noon ay natuto ng tumayo sa sarili niyang mga paa si beniced, sa isang tagong lugar siya natutulog tuwign gabi dahil pinalayas siya sa dati nilang tinitirhan. Halos lahat ng trabaho na maaari niyang pagkakakitaan. Tama lang ang kinikita ni Benice upang makakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Wala naman siyang malalapitan dahil sarili niyang pamilya ay hindi siya kinikilala.

Isang gabi habang papasok si Benice sa eskinita papunta sa puwesto ng kanyang tulugan, sa eskinita ay nadaanan niya ang mga kalalakihang nag-iinuman, tinawag pa siya ng isa sa mga ito ngunit hindi nalang niya ito binalingan ng pansin. Nakarating na si Benice sa kanyang puwesto at dali-dali niyang inilatag ang mga karton at pati ang maliit na unan at agad na humiga, madali naman siyang nakatulog dahil na siguro sa sobrang pagod sa kakatanggap ng labahin

At iba pang trabaho buong araw. Ngunit hindi pa nga siya naka-kalahati ng oras sa pagtulog ay agad na napabalikwas ng bangon si Benice ng maramdamang may humawak sa kanyang paa, nang Makita ni Benice kung sino ang humawak sa kanya ay ang nakita niyang lalaki na tumawag sa kanya kanina. Agad siya nitong hinawakan ng mahigpit, nagpupumiglas si Benice ngunit ano nga ba ang laban ng lakas niya sa lakas ng lalaki. Sumigaw ng tulong si Benice ngunit tila wala bang nakakarinig sa kanya dahil wala man lang tumulong sa kanya. Nagpupumiglas pa rin si Benice ngunit agad naman siyang pinagsusuntok ng lalaki, ang alam lang ni Benice ay hinihipuan na siya ng lalaki pati ang maseselang parte ng kanyang katawan hanggan sa tuluyan ng nga siyang nawalan ng malay. Kinabukasan, nagising nalang si Benice dahil sa sinag ng araw, babangon n asana siya ng maramdaman ang pananakit ng katawan at napaiyak nalang siya ng maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Gumuho ang mundo ni Benice, dahil kahit naman gaano pa siya kahirap ay hindi niyaq naisipan na pumasok sa mga trabahong makapagpababa ng kanyang dignidad pero heto na nga at kinuha na ng isang lalaking mapagsamantala ang kanyang kalinisan. Samantala, kahit gaano pa kabigat ang pagsubok na kanyang naranasan ay di niya nakuhang isisi sa Diyos ang kanyang dinanas, lagi nalang niyang iniisip na binigay siguro’to sa kanya, dahil alam ng Diyos kung gaano siya katatag at alam ng Diyos kung gaano siya ka reponsable. Dumating na nga ang araw na alam naman talaga niyang darating, ang araw kung saan magbubungfa ang panglalastangan sa kaniya ng lalaking iyon. Hindi na niya pinapulis ang lalaki dahil alam naman niyang wala siyang kalaban-laban dahil napag-alaman niyang maykaya ang lalaking gumahasasa kanya. Lumipas ang siyam na buwanat iniluwal na ni Benice ang kanyang anak,napaiyak nalang si Benice, hindi dahil sa galit ngunit dahil sa sobrang tuwa. Sa tuwang, alam niyang nalampasan niya ang totoong pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos. Ang pagsubok na kung saan tinanggap niya ang isang magandang bunga ng unang pagsubok. Na hindi siya katulad ng iba na kunting pagsubokj lang, kasamaan na ibabalik bilang paghihiganti. Tinaggap, minahal ng buong puso at pinalaki ng maayos ni Benice ang kanyang anak. Nakatira na sila ngayon sa kumbento ng isang simbahan at patuloy na nananampalataya sa Diyos. Mula noobn, massya na ang buhay ng mag-isa. Sa tulong ng organisasyon ng mga pari ay nakapag-aral ng mabuti si Gino, ang anak ni Benice, at sa katotohanan nga ya magtapos na ito sa kolohiyo sa kursong Engineering. Malaki ang pasasalamat ni Benice sa Diyos dahil alam niyang ‘di siay nito pinapapabayaan at sasamahan na naman siya sa pagbukas ng isang bagong kabanata. Kabanatang alam niyang may pagsubok ngunit buong puso na naman niyang haharapin at kailanman ay ‘di siya susuko.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page