“Pamilya” Ni : Shaira Mae C. Tubio
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 5 min read
1. Melodrama
2. MGA TAUHAN
· DIWATA- nagmamay-ari sa lugar, doon sa may kagubatan.
- Tauhang bilog
· MANG AUGUSTIN – namumuno sa bayan ng San Nicolas
- Tauhang lapad
· YANA- anak ni Mang Augustin.
- Tauhang lapad
· MELYA – ang asawa ni Mang Augustin
- Tauhang lapad
· Teacher Kris- guro nila Yana sa paaralan
- Tauhang lapad
· MGA KAPITBAHAY- ang kanilang inimbita noong kaarawan ni Yana
3. TAGPUAN
· Sa bahay(bayan ng San Nicolas)
· Sa paaralan
· Sa kagubatan
4. TAGPO
· Dalawang beses magbubukas at magsasara ang tabing.
5. BANGHAY
· SIMULA –Pinakilala si Mang Augustin na isang mabait, masipag at maunawain na tao at ang kanyang pamilya.
· PATAAS NA AKSIYON – Pumunta sa kagubatan si Mang Augustin.
TUNGGALIAN – Kumuha siya ng tubig sa ilog at mga prutas na hindi niya pagmamay-ari.
· KASUKDULAN – Nagpakita sa kanila ang Diwata na sinasabing nagbabantay sa gubat. Binigyan sila ng parusa.
· KAKALASAN – Pumunta siya sa kagubatan upang humingi ng tawad at kanya ng pinagsisisihan ang kanyang ginawa.
· WAKAS- Nawala ang sumpa at naging maayos ulit ang kanilang pamumuhay. Nagkarooon din sila ng bagong biyaya galing sa itaas. At ito’y kanilang pinasasalamatan.
“Pamilya”
Ni: Shaira Mae C. Tubio
(Sa bayan ng San Nicolas pinamumunuan ito ng mabait, matapang at maunawain na si Mang Augustin. Siya ay may asawa na si Melya. Nagbunga ang kanilang pag-iisang dibdib at ito ay si Yana.
(Unang pagbukas ng tabing)
Yana: Nanay! Tatay! Good morning! Bangon na po kayo diyan. (Magsiglang pagbati ni
Yana)
Mang Augustin: Hmmmm. Anak, ang aga-aga mo naming gumising. (Habang kinusot-
kusot ang mga mata)
Yana: I love you tay! I love you nanay! (Habang hinalik-halikan ang mga magulang)
Melya: Ang lambing talaga ng anak namin ohhh… Hmmmmm hmm hmm. Halika na
nga, papaligoan na kita. (Habang yakap-yakap ang anak)
(Habang pinapaligoan ni Melya ang anak, naghanda naman ng pang almusal si Mang Augustin nang sa gayon ay makakakain na sila ng agahan.)
Yana: Tay, kaarawan ko na po bukas. Ahmmm, kasi tay gusto ko po sanang imbitahin
yung mga kabithabay natin para dito na maghapunan kahit kunting salo-salo lang
po.(Sinasabi habang nginunguya ang ulam, at ito ay tila nahihiya ng konti sa
hinihinging pabor)
Melya: Oh tay, paano ba yan? Kasya ba ‘yung naipon natin? (Malumanay na sabi ni Melya
habang nakataas ang isang kilay at nakangiti)
Mang Augustin: Anak, hayaan mo gagawan ng paraan ni tatay at nanay ‘yung gusto mo
para bukas sa’yong kaarawan. Okay? (Tumingin muna sa asawa bago
magsalita sa anak)
Melya: Oh anak ko, halika ka na baka malate ka pa sa klase. Magpaalam ka muna sa
tatay mo, anak. (Pagmamadaling utos ni Melya)
Yana: Tay, I love you. Ingat ka po palagi, pupunta na rin po ako sa paaralan. (Sabay halik
sa pisngi ng ama)
(Pagkatapos magpaalam ni Yana sa kanyang ama kay initahid siya sa kanyang ina sa Paaralan. At sinabihan siya na wag lalabas ng gate sa paaralan habang wala ang magsusundo sa kanya.)
(Sa paaralan)
Teacher Kris: Good morning students! (Masayang bati ng guro)
Mga mag-aaral: Good morning Teacher K!
Teacher Kris: Anong buwan na nga pala tayo bukas?(Nakangiting tanong ng guro)
Mga mag-aaral: Buwan ng Agosto na po Teacher K.
Teacher Kris: Magaling magaling! Ang tatalino talaga itong mga studyante ko. So sino
ang may kaarawan sa buwan ng Agosto? Itaaas ang isang kamay.
(Masayang tanong ng guro)
Yana: Teacher K? Ako po! (Madaling sagot ni Yana)
Teacher Kris: Wooow naman Yana. Sige-sige. Class? Kakantahan natin si Yana ng
Maligayang Bati, okay bas a inyo yun?
(Inawitan si Yana ng kanyang mga kaklase at maging na ang kanilang Teacher para sa kanyang kaarawan bukas. Sabado kasi bukas, kaya ngayon na lamang siya inawitan)
(Unang pagsara ng tabing)
(Habang si Yana ay na sa paaralan, ang kanyang ama naman ag pumunta sa kagubatan para kumuha ng maiinum tulad ng matamis na tubig sa ilog at iilang prutas na kanyang pinipitas pauwi sa kanilang bahay para pandagdag na pagkain bukas.)
(Pangalawang pagbukas ng tabing)
*Kinabukasan*
(May malakas na tik-ti-laok ng manok)
Yana: Nanay! Tatay! (Malakas na tawag ni Yana sa mga magulang)
Mang Augustin: Oh anak? Anong nangyari sa’yo? (Pangambang tanong ng ama)
Yana: Tay? Hmm HAPPY BIRTHDAY TO ME!(Malakas na sigaw habang naka ngiti sa
kanyang mga magulang)
Mang Augustin: Diyos ko naman anak, akala ko kung ano ng nangyari sa’yo. Ikaw
talagang bata ka. Anak, Happy Birthday. Sana’y maging masaya ka sa
araw na ito. Maraming salamat at naging mabait sa amin ng mama mo,
huwag ka sanang magbago, okay?
(Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Yana at ang pabor na kanyang hiningi sa kanyang mga magulang na magkaroon ng kunting salo-salo. Sa gabing iyong malinaw ang mga pangyayari, puwera na lamang sa isang babae na kanilang nakita sa kusina nila Mang Augustin.)
Yana: Tay? Sino po yung babae nandoon sa kusina? Bagong kabitbahay po ba natin
iyon? (Makikita sa kanyang mga mata ang mga pangamba nang makita niya ang
babae)
Melya: Oo nga tay, parang nakita ko rin kanina yun. Ang ganda niya tay, tila ba parang
isang Diwata?
(Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang lumitaw ang isang babae.)
Diwata: Aking ikinalulungkot sapagkat kumuha ka ng mga pangkain at inumin na
pagmamay-ari ko. At dahil sa iyong ginawa, paparusahan ko kayo.
Mang Augustin: Miss? Anong ibig mong sabihin? Pagmamay-ari mo itong inumin galing
sa ilog at mga prutas? Nang sag anon, akoy himihingi ng tawad sa aking
nagawa. Wag mo sanang idamay ang aking pamilya. (Makikita sa
kanyang mga mata ang takot dahil sa sinabi ng Diwata)
Diwata: Ngunit huli na ang iyong paghingi ng tawad, bakit hindi ka humingi ng permiso
noong kinuha mo ang mga yun? Dahil ba wala kang nakitang tao na nakabantay
doon? Mawawala lamang ang sumpa kung babalik ka doon sa gubat upang
humingi ng tawad sa iba pang mga Diwata.
(Pagkatapo ng mga sampung minute na pagpapakita ng Diwata, bigla lamang itong nawala sa kanilang harapan dahilan sa kanilang pangambang nararamdaman kung anong sumpa ang ibig iparating nito.)
Yana: Taaaaaaay? Naaaaaa? Nasan kayo? Wala po akong nakikita. Huhuhuhu. Nanay,
tatay! (Umiiyak habang tinatawag ni Yana ang kanyang mga magulang.)
Mang Augustin: Anak, tahan na nandito lang si tatay at nanay mo. Huwag kang magalala
malultas ni natin ito, bukas na bukas babalik na ako sa gubat upang
humingi ng tawad sa mga Diwata.
(Kinabukasan maagang gumising si Mang Augustin para pumunta doon sa gubat. At pagdating niya doon, una niyang pinuntahan ang ilog at doon siya lumuhod at humingi ng tawad sa mga diwata. Sunod ay pinuntahan niya kung saan siya pumitas ng mga prutas at doon humingi din siya ng tawad kasama na ang pagsabi na pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawa. At nagpapasalamat na rin siya dahil sa kanyang natututunan. Pagkatapos ng kanyang ginawa doon sa kagubatan, agad-agad siyang umuwi sa kanilang bahay upang makita kung anon a ang kalagayan ng kanyang anak. Sa mabuting palad, nakahinga siya ng maluwag ng makita niya na nasa maayos na kondisyon na ang kanyang anak. Namuhay sila Melya at Mang Augustin ng payapa pagkatapos ng pangyayaring hindi inaasahan noon. Biniyayan din sila nga isa pang anak na babae at masaya si Yana dahil may kalaro na siya.)
Melya: Anak halika ka dito tingnan mo itong bunso mo ohhh ang kulit-kulit. (Sinasabi
habang hawak-hawak ang tiyan
Yana: Oo nga nay, panigurado magkakasundo po kami niyan ni bunso.
Mang Augustin: Pahawak nga ako diyan. Aba ayy oo nga, ang likot likot ni bunso.
Hahaha. (tuwang-tuwang si Mang Augustin habang hawak-hawak ang
tiyan ng kanyang asawa)
(Masayang masaya sila dahing bagong biyaya na kanilang natanggap. At nagpapasalamat sila sa Diyos dahil hindi sila pinabayan nito. Kaya noon at hanggang sa mga araw na kanilang haharapin ay patuloy pa rin silang magpapasalamat sa Diyos. At dito na nagtatapos ang kaning Storya. Namuhay sila ng mapayapa at punong-puno ng pagmamahal sa isa’t isa.)
(Pangalawang pagsara ng tabing)


Comments