“Pera na naging Bato pa” Ni: Jkha Rae Dado
- HUMMS A
- Mar 15, 2018
- 2 min read
Sa isang bayan ng Sta.Rosa, may mag-asawang nagngangalang Pedro at Emelda . Ang mag-asawa ay punong-puno ng pangarap sa buhay. Sa lahat ng kanilang pagsisikap, hindi parin nilang kayang gastusin ang mga gastusin sa bahay kahit sila lang dalawa. Pinapangarap nila na sana magkabahay na sila at sana magkaroon sila ng maraming pera.
“Hay nako Pedro! kung nag-aral ka lang ng mabuti noon edi sana mayaman na tayo ngayon!”.
“Ewan ko din sayu Emelda ! eh di Karin naman nag-aaral noon ah”.
Pangangalakal lang ang ikanabubuhay ng mag-asawa at hindi sila biniyaan ng anak. Hilih ng mag-asawa ang magsimba. “Diyos ko po! Wala na ngang anak eh wala pang pera”, wika ni Emelda. “Eh kaya hindi nga tayo biniyaan ng anak eh wala tayong ipapakain”.
(Habang nasa trabaho)
“Halika na nga Pedro ! Magtrabaho na tayo!”
Habang abala sila sa kanilang pagtatrabaho, napansin ni Emelda na sila lang ng kanyang asawa sa lugar na yun kaya inakala ni Emelda na oras na ng pag-uwi. “Pedro anong oras na ba’t wala yatang tao? Uwi na nga tayo!!!”.
“Ano ka ba naman Emelda wala pa ngang kalahati to eh”.
“Tara na Pedro”
“Cge na .. cge na nga ! hindi talaga kita maintindihan Emelda!”
“Tara na nga”
Nang pauwi na ang mag-asawa, ng biglang may nakita silang isang bag sa may gilig sa abandonadong lote. “Emelda ano kaya yun? Tingnan mo oh baka nakalimutan silipin natin?”. Agad nilang tiningnan ang bag. “Ano kaba Pedro hindi sa atin yan! Baka bomba pa yan!”.
Tiningnan ni Pedro ang bag at pagbukas nila dito ay isang bag na punong-puno ng pera hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang mag-asawa at inuwi agad ito sa bahay. Punong-puno ng saya ang mag-asawa kaya pumunta sila kaagad sa tindahan at bibili sana ng mga pagkain at biglang sinabihan sila ng tindira na “ Peke ang pera niyo umalis na kayo mga pulubi kundi ipapulis ko pa kayo eh!”.
Hindi alam ni Emelda kung ano ang sasabihin niya kaya umalis nalang sila at pinuntahan ang pera sa bahay kinumpirma nila na peke talaga ang pera at karamihan dito ay play money lang. Nabunutan ng tinik ang mag-asawa wala silang nagawa kundi titigan na lamang ang mga pekeng pera. “Akala ko yayaman na tayo Pedro. Hindi nga para sa atin ang pagkakataon na ito. Pera na nga nagging bato pa”
"hash":"AT7HQ7f
Comments