top of page

“Perya” Ni: Jonnah Mae Tuades

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 17, 2018
  • 4 min read

Tagapagsalaysay: Habang abala ang magkakapatid sa paghahanda ng kanilang pang-almusal. Ay biglang dumaan ang kanilang pinsan na si clarence para ibalita niya na nagsimula na ang perya sa baryo.

Clarence: Magandang Umaga pala sa inyo mga pinsan. Jam: Magandang umaga din, Oh napadaan ka? Clarence: Meron sana akong ibabalita sa inyo Jam: O, Ano naman yun? Clarence: Nagsimula na pala ang perya kahapon, pupunta ba kayo? Jam: Naku! Di na siguro Clarence: Bakit naman? Jam: Malayo kasi e at saka, Baka hindi kami payagan ni nanay at tatay. Clarence: Ah ganon ba? Jam: Oo Clarence: Sige, Pero pag nagbago isip mo, puntahan mo lang ako sa bahay namin ha? Kasi sasama ako (Sabay tawa) Jam: O, sige sige

Tagapasalaysay: Pagkatapos nilang mag-usap ay umuwi na ang kanilang pinsan. At pagpasok ni Jam ay nagtanong si Lim kung ano ang pinag-usapan nila ni clarence.

Lim: Kuya ano ang pinag-usapan niyo ni pinsan? Jak: Oo nga ano daw sadya niya? Jam: Sabi niya gwapo daw ako Lim: Di naman kuya eh (Sabay tawa) Jak: (Tumatawa) Jam: Nagbibiro lang kayo talaga (sabay tawa) Lim: Ano nga sadya niya kuya? Jam: Meron na daw perya sa baryo Jak: Talaga? Kailan daw nagsimula? Jam: kahapon daw Lim: Kuya punta tayo? Jak: Oo nga punta tayo dun Jam: Yun nga ang sadya ni pinsan kaya niya tayo binalitaan kasi gusto niya pumunta din daw tayo para sasabay siya sa atin. Jak: O? Pagkatapos? Jam: Sabi ko baka hindi tayo makapunta kasi malayo tas baka hindi tayo payagan nila inay at itay. Lim: Sayang naman, gusto ko sanang pumunta. Jak: Tama nga naman, malayo tas baka hindi tayo payagan nila inay. Jam: Bakit naman Lim? Lim: kasi Hindi pa ako nakapunta ng perya eh, tapos sabi ng mga kaklase ko masaya daw yun. Jam: Gusto mo makapunta don? Lim: Oo naman kuya! Jak: Punta kaya tayo? Jam: Pwede din naman kaya lang kailangan muna nating magpaalam nila nanay at tatay. Lim: Sige kuya, yehey! Jak: Oo nga mas mabuti na magpaalam muna tayo. Jam: Para Hindi rin sila gaanong mag-aalala kung saan man tayo nagpunta. Jak: Hintayin muna natin silang umuwi.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang kanilang nanay galing trabaho.

*Magkapatid nagmano* Lim: Nay, Pwede po bang pumunta sa perya? Nanay: Perya? Naku ang layo nun at baka mapaano kayo dun. Jam: eh kasama naman naming si clarence nay. Jak: sige na nay, payagan muna kami Nanay: Oh sya sige, pero magpaalam din kayo sa tatay niyo.

Tagapagsalaysay: Nang nakapagpaalam na sila sa kanilang nanay ay pumayag naman ito ngunit kailangan din muna nila magpaalam sa kanilang tatay. Kaya naghintay muna ng ilang oras ang magkapatid bago naka uwi ang kanilang tatay.

*Magkapatid nagmano sa tatay* Tatay: kaawaan kayo nang diyos Jam: Tay pwede po ba kami pumunta sa perya? Jam: kami pong tas sasama po si clarence. Tatay: Ah, ganon ba? O sya sige mag ingat kayo ha? Magkapatid: Yehey! Salamat po tay,nay! Tatay: Pero tika lang? Kumain na ba kayo? Lim: Opo tay! Kanina pa po! Jam: Sige po nay, tay punta muna kami sa perya. Nanay at Tatay: Sige mga anak mag-ingat kayo ha? Magkapatid: Opo tay, nay (Sabay kaway)

Tagapagsalaysay: Bago pumunta ng perya ang magkapatid ay pinuntahan muna nila ang kanilang pinsan dahil sasama ito sa perya.

Jam: (kumatok sa Pinto) Clarence: Sino yan? Jam: Si Jam to clarence Clarence: (Binuksan ang Pinto) Oy pinsan ano? Punta na tayo? Jam: Tara na! Lim: Tayo na! Excited nako! Yehey! Jak: Hahahaha

Tagapagsalaysay: Pagkatapos nilang puntahan si clarence ay nagpunta na sila sa perya. Habang naglalakad

Clarence: Mga Pinsan buti pinayagan kayo pumunta ng perya? Jam: Oo nga eh, Pero sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta e, pero gusto ng kapatid ko na pumunta dahil di pa daw sya nakapunta nang perya. Lim: Oo nga, kaya gusto kung pumunta! Clarence: nagpaalam ba kayo ng mabuti? Jak: Oo naman kami pa! Lim: eh ikaw ba, nagpaalam kaba? (Sabay tawa) Clarence: Syempre naman, Ako pa! Hahaha Lim: Mabuti. Hahaha

Tagapagsalaysay: Habang naglalakad sila ay hindi nila namalayan na malapit na pala silang makarating sa perya. Kaya binilisan nila sa paglalakad, at nang makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa perya.

Lim: waw! Jam: Oh, Dapat wag kang malikot ha? At saka wag kang mawala sa paningin namin baka mawala ka Jak: Oo nga, at saka dapat palagi kang humawak sa kamay ko. Kasi ang daming tao o, baka mawala ka pa Lim: Opo mga kuya! Jam: At hindi lang yun, pagnawala ka papagalitan din kami ni nanay at tatay Lim: Wag kayong mag-aalala mga kuya hindi ako mawawala, kung gusto niyo pa nga hawakan ko kamay niyong dalawa. Jak: Hahaha ikaw talaga Clarence: Ano? Tara? Lim: Tara!

Tagapagsalaysay: Pagkatapos nilang pinaalalahanan si lim ay agad nang sumakay sila sa may oktupos at kung ano-ano pang nasa perya. Tuwang-tuwa si Lim dahil nakapunta na rin siya ng perya at hindi lang yun nakasakay pa sya ng oktupos. Makalipas ang ilang oras ay mag aalas diyes na kaya naisipan ng kuya nila na kailangan na nilang umuwi.

Jam: Uwi na tayo, mag aalas diyes na Jak: Oonga, at saka baka nag-aalala na sila inay at itay. Lim: Okay mga kuya, Salamat pala ha? Sobrang saya ko talaga ngayong araw na ito! Jam: Walang problema Jak: Oo nga, at saka ang importante nakapunta ka na rin ng perya. Lim: Salamat po! Jam: O ano? Tara! Uwi na tayo? Jak: Tayo na Clarence: Tara inaantok na rin ako

Tagapagsalaysay: Habang naglalakad pauwi sila ay na pagod na si lim sa paglalakad

Lim: kuya Jak pagod na ko Jak: sige umangkas ka sa likod ko Lim: Salamat

Tagapagsalaysay: At tuloy muli sila sa paglalakad. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila.

*Jam kumatok sa pinto* Lim: Kuya Jak baba muna ako Jak: (binaba si Lim) *Binuksan ng nanay* Nanay: O, kumusta ang lakad niyo? Jam: Okay naman nay ang saya nga eh Lim: Ako rin nay masayang-masaya ako! Nanay: Talaga? Lim: Oo nay, sumakay pa nga kami sa may oktupos eh! Jak: Oo nga saya! Nanay: Mabuti naman at nalibang kayo Jak: Opo naman nay Lim: Ang saya talaga nay sobra! Nanay: O siya, sige matulog na kayo at bukas nalang natin ituloy ang kwentuhan. Magkapatid: Okay po nay! Nanay: Sige matulog na kayo Magkapatid: Good night po nay! Nanay: Good night din mga anak, sige tulog na.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page