“Tatak sa Puso” Ni Shaira Mae C. Tubio
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 2 min read
Naghanda na ako sa aking sarili para pumasok na sa paaralan. Ilang minuto sa aking biyahe ay nakarating na ako sa sa silid-aralan at narinig ko ang aking mga kaibigan na nagkukuwentuhan sa kanilang mga karanasan sa buhay. Nakita nila ako at inalok na umupo at magbahagi sa aking mga karanasan bilang scouter. Biyernes kasi non at suot ko ang uniporme kaya napagpasyahan nila na yun ang ipabahagi sa kanila.
Bukang bibig ko ang Girl Scout Council dahil sa tuwing pumupunta ako bumabalik lahat ang mga ala-ala ko na kay sariwa sa aking puso’t damdamin. “diba nakakapagod sumali ng ganyan?” “Ha-ha-ha Tama ka!” Nakakapagod talaga ngunit pagbinigyan mo ng buong pusong pagmamahal ang pagsali, ‘di mo naa mararamdaman ang pagod kasi may matututunan ka rin naman tsaka masaya ka sa sinalihan mo.
Tuwing may kamping kami naghahanda tagala ng isang araw para makapagpahinga upang sa susunod na araw ay may buhay kami. Yung bang may gana at masigla!
Nasilayan ang unang sikat ng araw sa piling nga langit na bughaw nang makarating kami sa “campsite” na matatagpuan sa Cebu. Isa-isang nagdadatingan ang mga kampers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang lakas ng kabog sa aking dibdib, tila tumatalon ito sa tuwa at kaba. “May maganda ba?” “Eh? Anong klaseng tanong yan? Hmmmm meron din naman.”
Bukang liwayway pa lamang ay gising na kami para makapagkuha ng aming lulutuin at para na rin makapaghanda ng aming almusal. “Ako nalang muna ang kukuha ng almusal”, ani ni Eloisa. Pagkaraan ng higit tatlumpong minuto ,kami nina Greatchen at ate Jaymafer ay kaharap na ang mga sangkap pang almusal, habang yung iba naming kasamahan na sina Loriefel, Robeth at Marjhun ay naligo na muna para pag sila na ang natapos , kami naman ang susunod.
Maganda ang mga pangyayari sa mga araw na nagdaan nang sa isang iglap ay tila mawawalan ka ng malay sa gutom. “Eh bakit naman? Akala ko ba…” “Ganito kasi yon.”
Habang ang ibang Sub-camp ay nakapagluto na ng pananghalian, kami sa aming Sub-camp ay ni isa wala pang nakapagsaing. Eh pano ba naman kasi ang bagal ng kilos at ang tagal nilang magbigay ng lulutuin.
Lagpas alas dose na nang nakapagsimula kaming magsaing. Dali-dali naming niluto ang mga sangkap at halos mag-aalas dos na ng makakain kami. “Diba? Hanep! Ha-ha-ha”
Haaayyy. Nabuhayan din sa wakas ang mga kaluluwa naming napagod dahil sa gutom ng nagkalaman na ang aming mga sikmura.
“Pero alam niyo, kahit ganon ang naranasan naming, hindi ko pinagsisisihan na sula ng Girl Scout. Kasi dito marami ka talagang matututunan at mararanasan na ‘di mo aakalaing mangyayari pala. Kaya sa aking puso’t damdamin , nakatatak na ito.”
Sa gitna ng aming pag-uusap, may pumasok na guro at yun umupo kami ng maayos at nakinig ng mabuti sa klase. At doon natapos ang isang di mabarayang pagakakataon sa aking buhay na sumali ng encampment.
Comments